Friday, May 1, 2009

"SA AKING PAG-IISA.....


kalungkutan....ang bumabalot sa aking buong pagkatao at sa aking buong kaisipan.Hindi ko alam kong bakit ako nakakulong sa mundo ng kahungkagan at puno ng kadiliman....


masaya na sana ako noon,pero bakit kasi nawala ka pa?
naalala mo ba yong mga panahon na magkasama tayong naglalakad sa dalampasigan?
nagkukwentuhan ng magiging buhay pagdating ng araw;pagdating ng araw na magkakasama na tayo habang buhay....
Pero marami ang nagbago,pagkatapos ng gabing yon...
Hindi ko namamalayang nawawala ka na pala...masyado kasi akong nalibang sa mga bagay
na maaaring mangyari sa atin balang araw,at habang iniisip ko yon,at sa sobrang katuwaan ko,naplaingon ako sa mukha mo,umaasang makikiayon sa mga planong meron ako,ngunit iba ang nabasa ko sa mata mo at tuluyan akong kinabahan,parang may kakaiba.
Gusto kong matakot sa nakikita ko mula sa mata mo.
Gusto kong isipin na malungkot kalang,napagod ka lamang,
pero hindi iyon ang isinisigaw ng aking isipan...na gusto kong itanggi at wag bigyan ng kahulugan..

...At iyon na nga.,lumabas ang katutuhanan.Ayoko mang isipin na ito ay nangyayari pero sadya nga sigurong ganito.Kasabay ng pag-agos ng luha sa iyong mga mata ay kasabay ng pagluhod mo sa aking paanan,at ang namutawing salita "PATAWAD" na halosmagpawala sa aking katinuan at sa nanlalabo kong paningin...unti-unti kang naglaho.
Gusto kitang tawagin,habulin,pero hindi ko alam kung saan ka hahanapin.
Hindi ko alam kung bakit,pero parang nakisama sakin pati ang langit...
sa pagbuhos ng aking luha ay ang pagpatak ng ulan....
At nahiling ko sana,tulad din ako ng ulan na pagkatapos ng malakas na buhos ay sisikat din ang gintong araw!....

...Patuloy ang araw.Patuloy ang buhay.
At naisip ko, masaya kana kaya? At asan ka na kaya?
Simula ng araw na iyon parang ayaw ko ng mabuhay.
Sa tuwing naalala ko ang nakaraan,sa tuwing nakikita ko ang dalampasigan,mga lugar na ating pinupuntahan ay patuloy lamang akong nasasaktan..Kaya pinili kong puntahan ang lugar na wala akong nakikita at walang bagay na nagpapaalala...


...Natagpuan ko iyon sa kadiliman. Niyakap ko ang karimlan, ito ang parati kong kaulayaw.
Tinanggihan ko ang liwanag dahil ayaw ko ng masilaw sa kinang ng buhay at sa pangako nitong walang hanggan.
Ayoko na ring madapa sa sarili kong mga paa...maging ang munting ingay ay ayaw kong makaringgan pa..pati kakayahan kong makaramdam ay pinutol ko na upang wag dumaloy sa sistema ng aking katawan.
Nanatili na yata ako sa dilim na aking kinasadlakan,tanging ito lamang paraan ko upang wag ng muli ay saktan lamang... at ito'y dala-dala ko na hanggang sa huling kabanata ng aking buhay........

No comments:

Post a Comment

hey guyzzz.....